-- Advertisements --
Inordinahan para maging obispo ng Balanga, Bataan si father Rufino “Jun” Sescon.
Si Sescon, na dating rector ng Quiapo Church ay naging secretary din noon ng namayapang si Jaime Cardinal Sin.
Isinagawa ang ordinasyon sa Manila Cathedral kasabay ng paggunita sa ika-39 anibersaryo ng EDSA People Power.
Pinangunahan ni Lingayen-Dagupan Arcbhishop Socrates Villegas na siyang protege ni Sin kasama si Cubao Bishop-Emeritus Honesto Ongtioco at Antipolo Bishop Ruperto Santos.
Kasama rin na nagbigay ng kaniyang homily si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.
Magugunitang noong Disyembre 3, 2024 ay itinalaga ni Pope Francis si Sescon para maging obispo ng Balanga.