-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Hinimok ni Rev. Fr. Teresito “Chito” Suganob ang mga Kristiyano na patuloy na ipagdasal ang kapayapaan sa buong mundo.

Ito ang naging reaksyon ng Marawi siege survivor sa nangyaring sunod-sunod na pamomomba sa Sri Lanka na ikinamatay ng 290 at ikinasugat ng mahigit 500 katao.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo,sinabi ni Suganob na kaniya itong ikinalungkot lalo pa’t bumabalik sa kaniyang isipan ang malagim na karanasan sa naganap na pag-atake ng Maute-ISIS group sa Marawi taong 2017 kung saan maraming buhay rin ang nasawi.

Malaki ang paniniwalal ni Fr. Suganob na may balak ang mga suspek na pag-aawayin ang mga relihiyon kung kaya’t target ng kanilang karahasan ang mga simbahan.

Kinondena ng pari ang nasabing pamomomba dahil nadamay ang bahay ng Panginoon na isang sagradong lugar para sa mga Kristiyano.