-- Advertisements --

Hindi biro ang naging karanasan ni Father Teresito “Chito” Suganob sa kamay ng mga teroristang Maute.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Eduardo Año, mahigit 100 araw nanatili ang 51-anyos na pari sa kamay ng mga terorista kaya nakakaranas ito ng “harsh conditions.”

Aniya, dapat bigyan ng pagkakataon si Father Soganub na magpahinga para makarekober mula sa pagiging bihag sa loob ng mahigit 100 araw.

“I think Fr. Soganub needs rest so he can adjust and recover,” wika ni AFP chief Año.

Dagdag pa ni Año na hindi niya masabi kung nakakaranas ng Stockholm Syndrome ang pari at tanging mga doktor lamang ang makakapagsabi nito.

Ibinunyag ni chief of staff na kapag may bakbakan, pinapahawak ng baril ang pari kasama ang iba pang bihag at pinapa-poste na parang miyembro rin ng Maute.

Gayunman, pinapakain din naman daw sila ng mga terorista.