-- Advertisements --

Humingi na ng paumanhin si North Port Batang Pier player Fran Yu sa barangay kagawad na kaniyang nakaalitan.

Sinabi ni Barangay Kagawad Victorino Farrales ng Brgy. 350, Sta. Cruz, Manila na kaniyang pag-iisipan muna kung tatanggapin niya ang paghingi nito ng tawad.

Kakausapin muna ng barangay kagawad ang ilang opisyal ng barangay kung tutuluyan nilang kasuhan si Yu.

Magugunitang nagbunsod ang alitan ng dalawa matapos sitahin si Yu sa pagpaparada ng kaniyang motorsiklo sa isang fast food chain.

Una na rin sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na mangangalap muna sila ng impormasyon ukol sa nasabing insidente.