-- Advertisements --
Naniniwala ang France at Germany na dapat ay payagan na gamitin ng Ukraine ang armas laban sa mga targets sa loob ng Russia.
Sinabi nina German Chancellor Olaf Scholz at French President Emmanuel Macron, na mayroong mga French weapons na ang ipinadala sa Ukraine na kinabibilangan ng mga long-range missiles.
Dagdag pa nito na maari nilang payagan ang Ukraine na ma-neutralized ang mga military sites ng Russia kung saan pinapalipad ang mga missiles.
Subalit mahalaga na dapat na hindi idamay ng Ukraine ang mga sibilyan.
Magugunitang patuloy ang ginagawang pag-atake ng Russia sa Ukraine kung saan maraming bansa na rin ang nagpadala ng mga armas sa Ukraine.