-- Advertisements --
Nanawagan ang France at Germany sa Israel na tanggalin na ang mga sundalo nito sa buffer zone ng Syria.
Ayon sa French foreign ministry na anumang military deployment sa separated zon ng Israel at Syria ay isang paglabag sa disengagement agreement of 1974.
Marapat na tanggalin na ng Israel ang puwersa nito sa nasabing lugar bilang pagrespeto sa soberanya at territorial integrity ng Syria.
Habang ang Germany ay nagsabing dapat sumunod ang Israel para magkaroon ng tsansa ang Syria sa mapayapang pagbuo ng bagong gobyerno nito.
Magugunitang ipinag-utos ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa mga sundalo nito na protektahan ang border ng Israel laban sa Syria.