-- Advertisements --

Sabay na inanunsiyo ng bansang France at Greece na kanilang ipapa-mandatory ang pagbabakuna laban sa COVID-19 ang lahat ng medical workers.

Ang nasabing hakbang ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Delta variant ng COVID-19.

Sinabi ni French President Emmanuel Macron na babakunahan nila ang mga health care workers, care home employees at mga vulnerable and frail patients ng hanggang Setyembre 15.

Ayon naman kay Greek Prime Minister Kyriakos Mitsotakis na magiging mandatory na ang bakuna sa mga nursing home staff na magigigng epektibo agad na matatapos lahat hanggang Agosto.

Nauna ng ipinatupad ng Italy na ang magiging compulsary ang pagpapabakuna sa lahat ng mga health workers nitong Abril.