-- Advertisements --
Nagpatupad ng panibagong restrictions ang France at London.
Sinabi ni French President Emmanuel Macron na agad nilang ipapatupad ang curfew mula alas-9 ng gabi at ala-sais ng umaga.
Magtatagal lamang ito ng hanggang 48 oras.
Kinabibilangan ito ng mga lungsod ng Aix-Marseille, Grenoble, Montpellier, Toulouse, Saint Etienne, Lille, Rouen at Lyon.
Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng hanggang $1,760 sa may paulit-ulit na violators.
Nagtala kasi ng mahigit 22,591 ang bagong kasong naitala na mayroong 95 kamatayan.
Sa London naman ay itinaas sa “high” alert ang coronavirus restrictions mula sa dating tier 1 o “medium”.
Nangangahulugan nito na pagbabawalan ang mga mamamayan na lumabas sa kanilang mga tahanan.