-- Advertisements --

Naglabas na travel warning ang France laban sa Iran.

Ayon sa foreign ministry ng France na marapat na ang mga mamamayan nila na nasa Iran na umalis agad dahil sa pagtaas ng tensiyon.

Nagbanta kasi ang Iran na igaganti nila ang pagkasawi ni Hamas political leader of Hamas Ismail Haniyeh kung saan ang pinagbintangan dito ay ang Israel.

Habang ang Poland ay pinayuhan nila ang kanilang mamamayan na iwasan ang magtungo sa Lebanon, Israel at Iran.

Dagdag pa nila na sa dami ng mga turista nila nagtutungo sa nabanggit na mga bansa ay baka mahirapan na silang makabalik kaya minabuti na huwag ng magtungo sa nasabing mga lugar.

Una ng nagkansela ang LOT Polish Airlines ng walong flights sa Lebanon at Israel dahil sa pangamba sa seguridad.