-- Advertisements --
Dinagdagan ng gobyerno ng France ang bilang ng mga matuturukan ng COVID-19 vaccine.
Ito ay matapos na makatanggap sila ng batikos sa mabagal umano ang ginagawa nilang vaccination program.
Sinabi ni French Health Minister Olivier Veran, na mayroon ng ilang libong pasyente ang kanilang inihanay na mabigyan ng bakuna.
Noong nakaraang mga linggo kasi ay nasa 500 katao na lamang ang kanilang nabakuhanan kaya sila ay inulan ng batikos.
Maging si French President Emmanuel Macron ay pinatitiyak ang mabilisang pagbibigay bakuna sa kanilang kababayan.
Isa kasi ang France sa matinding tinamaan na bansa sa Europan na mayroong mahigit 65,000 na ang nasawi.