-- Advertisements --

Mariing itinanggi ni France football captain Kylian Mbappé ang alegasyon na ito ay may ginahasa.

Iniimbestigahan kasi ng mga otoridad sa Sweden ang ulat na sangkot sa panggagahasa ang sikat na football player.

Base sa mga ulat kasi ng mga Swedish media na idinawit nila sa Mbappe sa insidente na nangyari sa isang hotel sa central Stockholm.

Sa social media account naman ni Mbappe na tinawag na lamang nito ang ulat na Fake News.

Ikinagalit naman ng mga abogado ni Mbappe ang nasabing ulat at sinabing ito ay nakakasirang imahe sa manlalaro.

Handa rin aniya nilang sagutin ang nasabing alegasyon kung mayroon mang lumapit sa korte.