-- Advertisements --

Inanunsiyo ni France striker Kylian Mbappe na ito ay aalis na sa Paris St-Germain pagkatapos ng season.

Nakatakda na kasi ng magpaso ang kontrata ng 25-anyos na si Mbappe sa Ligue 1 champions team.

Hindi naman nito binanggit kung saan siya lilipat pero kumalat ang usapin na ito ay kinukuha ng Real Madrid.

Nagkaroon ng hindi magandang relasyon si Mbappe sa koponan kung saan hindi siya nakasama sa first-team squad at maging sa pre-season tour ng koponan sa Asya.