Nagsama-sama ang France, Germany at United Kingdom para ipaalam sa United Kingdom sa pagtutol nila sa sinasabing “historic rights” ng China sa South China Sea.
Sa sulat na ipinasa ng permanent mission of the UK sa UN sa New York na kanilang kinikilala ang arbitral ruling noong 2016 kung saan ibinase ng Pilipinas ang kanilang claim sa South China Sea sa UN Convention on the Law of the Sea.
Ipinagigiitan din ng nasabing mga bansa na ang exercise ng ‘historic rights’ sa South China Sea ay hindi nagko-comply sa International law at UNCLOS.
Mas malinaw anila ang claim ng Pilipinas base na rin sa arbitral ruling.
Magugunitang nanalo ang Pilipinas sa China noong July 2016 sa landmark ruling ng international tribunal na kumokontra sa malawakang pag-angkin ng China sa South China Sea.