Magsasagawa ang France government ng “crisis talks” pagkatapos ang nangyaring pinakamasamang kalamidad na naitala na kinasasangkutan ng mga migrants sa English Channel.
Dalawampu’t pitong katao ang nagtungo sa UK nang malunod malapit sa Calais matapos lumubog ang kanilang bangka.
Sinabi ng interior minister ng France na limang babae at isang bata ang kabilang sa mga namatay – habang dalawang tao ang nailigtas.
Sumang-ayon sina UK PM Boris Johnson at French President Emmanuel Macron na “gawin ang lahat ng posible upang mapigil ang mga responsable” nito.
Ngunit sinabi ni Johnson na dapat gumawa ang France ng higit pang hakbang para mapigilan ang pagtawid ng mga migrants, habang sinabi ni Macron na kailangan ng UK na ihinto ang pamumulitika sa isyu.
Napag-alaman na isang maliit na protesta at pagbabantay ang naganap sa daungan ng Calais sa France.
Ang mga miyembro ng human rights group ay nananawagan para sa proteksyon ng mga migrants.
Naglagay ng kandila ang grupo bilang tanda ng paggalang sa mga migrants na nasawi sa pagkalunod sa Channel.