CAUAYAN CITY-Muling ipapatupad ang mahigpit na pagsusuot ng facemask sa Agosto kasunod ng pagkakatala ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa France
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Mylene Gonzales, OFW sa Paris, France, sinabi niya na inanunsyo na ni President Emmanuel Macron na simula sa unang araw ng Agosto ay obligado na ang lahat na magsuot ng facemask kahit saan sila magpunta.
Ito ay matapos na muling makapagtala ang nasabing bansa ng mga bagong kaso simula ng alisin ang ipinapatupad na lockdown.
Kung hindi bababa ang mga naitatalang kaso ay maaring muling magpatupad ng lockdown sa Oktubre lalo na at magbabalik na sa paaralan ang mga estudyante sa Setyembre.
Sa ngayon ay nagbukas na ang lahat ng mga establisyemento sa naturang bansa, wala ng nagsusuot ng facemask at hindi na sumusunod sa social distancing ang mga tao.