-- Advertisements --
Hinihintay pa ng France ang kasagutan ng Pilipinas sa isinumite nilang draft ng military interoperability agreement.
Sinabi ni French Ambassador to the Philippines Marie Fontanel na ang “intent to negotiate” sa visiting forces agreement (VFA) sa pagitan ng dalawang bansa ay bahagi ng sulat na pinirmaha ni Defense Secretary Gilbert Teodoro at French Minister of the Armed Forces Sébastien Lecornu noong Disyembre 2023.
Nananatiling bukas sila sa negosasyon kung ano ang maaring ipagawa ng Pilipinas na napapaloob sa VFA.
Umaasa din ang opisyal na tutugan din agad ang Pilipinas para sa mas magandang military partners ng dalawang bansa.