-- Advertisements --
Magpapatupad ng national lockdown ang France dahil sa panibagong pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay French President Emmanuel Macron na sa ikatlong national lockdown ay isasara ang mga paaralan sa loob ng tatlong linggo.
Aabot kasi sa mahigit 10,000 na mga pasyente ang nasa intensive care units sa pinakamatinding tinamaan ng region.
Sinabi pa ni Macron na mawawalan sila ng control kapag hindi na sila gumalaw agad.
Tiniyak din nito ang pagpapaigting ng vaccination program ng kanilang bansa para mas lalong dumami ang mga mababakunahan.