Inanunsiyo ng France na magpapadala ito ng high performance tanks para sa Ukraine.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mag-susuplay ng isang Western-deisgned tanks para sa armed forces ng Ukraine kasunod ng pag-uusap sa pagitan nina French President Emmanuel Macron at Ukrainian President Volodomyr Zelensky.
Ang pagsusuplay ng French-made AMX-10 RC sa Ukraine na isang 6-wheeled light tank model na ginagamit mula pa noong 1980s ay nagpapakita ng significant shift sa military support ng France para sa Ukraine.
Ito rin ay idinisenyo para sa reconnaissance missions at idineploy ng France sa kanilang overseas military operations kamakailan sa Sahel region ng West Africa at sa Afghanistan.
Hindi naman malinaw kung ilan ang tangke ng France na ibibigay at kung kailan ito ipapadala sa Ukraine subalit napagkasunduan na ang pagsasanay ng Ukrainian forces sa pag-operate nito at maintenance bilang bahagi ng kasunduan ng dalawang lider.