-- Advertisements --

Nakatakdang luwagan na ng France sa darating na weekends ang ipinatupad nilang lockdown.

Sinabi ni France President Emmanuel Macron, na bubuksan na ang mga shops at cinemas para makasama ng karamihan ang kanilang pamilya ngayong kapaskuhan.

Ipinagmalaki pa nito na nalagpasan na ng bansa ang ikalawang peak ng second wave ng nasabing virus.

Pumapalo na ngayon sa 2.2 million na kaso ang naitala sa France na mayroong mahigit 49,000 na ang nasawi.