-- Advertisements --

Ipapatupad na ng France ang bagong COVID-19 health pass dahil sa pagtaas ng kaso ng Delta variant.

Dahil dito ay kailangang magpakita ang mga tao ng kanilang proof of vaccination, negative COVID-19 test o ang patunay na gumaling na sa COVID-19 para makapasok sa mga museums at sinehan.

Susubukan ng mga mambabatas na repasuhin ito para palawigin ang paggamit ng hanggang Agosto para makapasok sa mga cafes, restaurants at mga shopping malls.

Ipinatupad ang nasabing vaccinationa health pass matapos magtala ng 18,000 na bagong infections sa loob ng isang araw.