-- Advertisements --

Nagpatupad ng isang buwang lockdown ang France dahil sa pangamba ng third wave ng COVI-19.

Maapektuhan dito ang 21 milyong katao sa 16 na lugar sa France.

Sinabi ni French Prime Minister Jean Castrex na hindi gaano ito ka-istrikto ang lockdown kumpara noong nauna dahil maaari pa ring makapag-exercise sa labas ng kanilang bahay ang mga residente.

Papayagan din ang mga mamamayan magtungo sa mga bahay basta punan ang mga form na ibibigay ng gobyerno para maging valid ang kanilang rason.

Mayroon kasing mahgiit 1,200 na katao ang nasa malalang kalagayan matapos na sila ay dapuan ng nasabing virus.