-- Advertisements --

DAVAO CITY – Umabot na sa mahigit 2,000 ang natalang kaso ng monkey pox sa bansang France.

Kung maalala, idineklara ng France ang monkeypox outbreak kung saan kinumpirma ng mga health officials sa nasabing bansa na may natala ng 2,171 na mga kaso as of August 2, 2022.

Sa panayam ng Bombo Radyo Davao kay Bombo International Correspondent Dick Villanueva, kalahati umano sa nasabing mga kaso ang mula mismo sa sentro ng bansang Paris.

Nagsagawa na ng mga vaccination drives kung saan ginamit bilang pangdepensa kontra monkeypox ang bakuna laban sa small pox.

Mababakunahan lamang ang pasyente kung rehistrado ito sa “Doctolib”, isang pribadong website na ginagamit ng mga lokal na residente sa France upang maka-book ng appointment.

Ang mga kawani ng reception desk ang magpapa-fill-up sa pasyente ng questionnaire at magbeberipika sa kanilang identity.

Nilinaw din na hindi na kailangan pa ng mga pasyente na magpakita ng reseta mula sa doktor upang mabakunahan.

Kung maalala, una nang in-activate ng France noong nakaraang Linggo ang kanilang mga tauhan gaya ng mga doktor, nurse at mga medical students upang makatulong sa pag-administer ng mga bakuna.

Kung nabakunahan na ang mga pasyente, i-bo-book naman sila para sa ikalawang appointment sa loob ng 28 na araw, kahit paman na una nang sinabi ng mga health authorities na posibleng mapalawig pa ang limitasyon nito.

Kung magpapakita ang pasyente ng senyales sa nasabing sakit, isasailalim ito sa quarantine sa loob ng hanggang apat na linggo.

Sinabi rin ni Villanueva na may tatlong indibidwal din ang nahawaan ng monkeypox sa Cyprus.

Sa gitno nito, wala namang Pilipino sa mga nasabing bansa ang nahawaan ng monkeypox ngunit inabisuhan na ng mga embahada ang lahat ng kababayan na palaging mag-ingat.