-- Advertisements --

Pasok na sa finals ng men’s basketball team ang France matapos talunin ang Germany 73-69 sa kanilang semfinals round ng Paris Olympics.

Sa simula pa lamang ay dominado ng France ang laro.

Nanguna sa panalo si Guerschon Yabusele na mayroong 17 points habang si Isaia Cordinier ay mayroong 16 points.

Ginamit ng Tokyo Olympics silver medalist na France ang home court advantage para tuluyang talunin ang FIBA World Cup champion na Germany.

Hihintayin na lamang ng France ang sinumang manalo sa pagitan ng USA at Serbia.