-- Advertisements --

Pasok na rin sa semifinals men’s basketball sa Paris Olympics ang host country na France matapos na malusutan ang Canada 82-73.

Sa simula pa lamang ng laro ay dominado na ng France ang laro at nakuha ang 19-15 na kalamangan.

Pinilit pa ng Canada humabol sa mga huling minuto ng laban subalit hindi na binitiwan ng France ang kalamangan.

Nanguna sa panalo ng France si Guerschon Yabusele na nagtala ng 22 points habang si Isaia Cordinier ay mayroogn 20 points.

Dahil sa panalo ay makakaharap ng France ang Germany sa semifinals.