-- Advertisements --
Minultahan ng antitrust regulator ng France ang Google na aabot sa $592 milyon.
Binigyan din nila ang kumpanya ng dalawang buwan para magsagawa ng proposal kung paano nila babayaran ang publishers para sa kanilang content.
Kapag hindi nila ginawa ito ay mahaharap ang Google ng mas mabigat na parusa.
Ayon kay antitrust agency chief Isabelle de Silva na binalewala kasi ng Google ang ilang injunctions na may kaugnayan sa negosasyon ng kumpanya sa French news publishers.
Labis naman na nadismaya ang Google sa nasabing hakbang na ito ng antitrust regulators ng France.