Nakakuha ng karagdagang tulong ang Pilipinas dahil ang gobyerno ng France ay naglaan ng 150 million euros o katumbas ng humigit-kumulang P8.87 bilyong piso sa karagdagang financing sa pamamagitan ng isang pautang na sumusuporta sa Climate Change Action Program (CCAP).
Ibinigay sa pamamagitan ng French Development Agency, ang karagdagang pondo para sa Subprogram 1 ng Climate Change Action Program na nilayon upang tulungan ang Pilipinas na palakihin ang mga pagsisikap nito na mabawasan at umangkop sa pagbabago ng klima.
Dagdag dito, ang programang ito ay inilaan upang suportahan din ang mga pampublikong reporma na naglalayong mag-set up ng mga sistema ng pagpaplano at pagpopondo upang palakasin ang pagkilos sa klima.
Ito ay tulong din umano na palakasin ang katatagan ng mga populasyon sa lumalaking epekto ng pagbabago ng klima at upang mabawasan ang mga greenhouse gas emissions sa pamamagitan ng pag-deploy ng mga renewable energies, pagpapabuti ng kahusayan sa enerhiya at pag-deploy ng napapanatiling transportasyon.
Liban nito, sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa isang joint statement na ang Pilipinas, sa bahagi nito, ay nakatuon sa pagpupursige ng mga konkretong aksyon sa klima na may layuning protektahan ang mamamayan at ating bansa.