Nagpadala ang France ng kanilang mga fighter jets at barkong panggiyera sa eastern Mediterranean dahil sa tensyon na nagaganap sa pagitan ng Greece at Turkey.
Nagsimula ang tensyon ng magsagawa ng gas exploration sa nasabing pinag-aaggawang bahagi ng Mediterranean sea ang Turkey na ikinagalit ng Greece.
Sinabi ni French President Emmanuel Macron na magpapadala sila ng dalawang Rafale fighter jets at barkong panggiyera.
Sinabihan pa nito si Greek Prime Minister Kyriakos Mitsotakis na binabantayan sila ng French military.
Sagana kasi sa langis ang pinag-aagawang lugar.
Humingi naman ng pag-uusap si Turkish President Recep Tayyip Erdogan.
Ayon kay Erdogan na kapag nagkasundo sila ay magkakaroon ng mapayapang solusyon sa nasabing problema.
Nagkaroon din ng hindi magandang relasyon ang France sa Turkey dahil sa nagaganap na krisis sa Libya.