-- Advertisements --

Muling nagtala ang France ng panibagong 10,000 na kaso ng delta variant ng COVID-19 sa loob ng isang araw.

Ayon sa health ministry ng nasabing bansa na mayroong 10,908 na kaso ang naitala nitong Biyernes.

Huli kasing nagtala ng 10,000 na kaso ng COVID-19 ang nasabing bansa noong Mayo.

Dahil dito ay mayroon ng mahigit 5.84 milyon ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Noong Abril ay mayroong 42,000 kaso kada araw ang naitatala sa France hanggang bumaba ito ng 2,000 kada araw nitong Hunyo.