-- Advertisements --
Arc de Triomphe France

Nagtala ng panibagong 509 na kaso ng coronavirus ang France.

Dahil dito ay umabot na sa 4,032 ang mga nasawi matapos na dapuan ng virus na siyang pang-apat na bansa na nakapagtala ng 4,000 na kamatayan kasunod ng Italy, Spain at US.

Sinabi ni State health agency director Jerome Salomon, na mayroon ng kabuuang 56,989 ang bilang ng mga nadapuan ng virus na may pagtaas ng 9%.

Dinagdagan na rin ng France ang bilang ng mga kama sa intensive care units mula sa dating 5,000 ay naging 10,000 ng magsimula ang krisis.