-- Advertisements --

Nagtala ng France ng 63,405 na COVID-19 cases sa loob lamang ng isang araw.

Ito na ang itinuturing na pangalawang pinaka-mataas na bilang na naitala sa bansa mula pa noong Abril 2020.

Dahil dito ay aabot na sa mahigit na 8.3 milyon na COVID-19 cases ang naitala sa nasabing bansa.

Malaki ang paniniwala naman ni Health Minister Olivier Veran na naabot na ng France ang peak ng nasabing kaso ng COVID-19.