-- Advertisements --

Plano ngayon ng France na palawigin ang ipinapatupad nilang lockdown dahil sa coronavirus pandemic.

Ito ang magiging laman ng nakatakdang talumpati ni French President Emmanuel Macron.

Ayon sa kampo ng French President, nakikipag-usap na si Macron sa malaking bilang ng public at private sectors maging sa European at International para malaman ang kahinatnan ng bansa sa COVID-19.

Magugunitang magtatapos na ang lockdown sa Abril 15 subalit patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga nadapuan ng virus.

Nasa halos 11,000 na ang bilang ng mga kabuuang kaso sa France.