Inihayag ng bansang France na nais pa nitong palakasin ang interaction sa Pilipinas, sa ilalim ng maritime alliance.
Ito ay upang maisulong pa lalo ang kapayapaan sa Indo-pacific Region.
Ayon kay outgoing French Ambassador to the Philippines Michele Boccoz, nais ng France na magkaroon pa ng mas maraming maritime interactions sa pagitan nila ng Pilipinas, at maisagawa sa indo-Pacific Region kung saan naroroon ang pinag-aagawang mga isla
Sa kasalukuyan aniya ay naglagay na ang France ng resident defense attache sa Pilipinas.
Ang nasabing hakbang aniya ay upang ipakita ang suporta nito sa Pilipinas.
Sa inisyal umano na plano ng pamahalaan ng France, nais nilang papuntahin ang flagship aircraft carrier na Charles de Gaulle dito sa Pilipinas, pagsapit ng 2025.
Maalalang una nang nagtungo dito sa Pilipinas ang French Navy Destroyer Lorraine para sa isang goodwill visit nitong nakalipas na taon.