-- Advertisements --
Nakatakdang ianunsyo ng French government ang ipapatupad nilang paghihigpit dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Sinabi ni government spokesman Gabriel Attal na posibleng sa Nobyembre 26 ay mailalabas ang bagong panuntunan.
Dagdag pa nito na nais niyang maiwasan ang pagkakaroon muli ng matinding lockdown kaya binigyang halaga nito ang pagpapatupad ng social distancing at ang pagpapabilis ng pagpapaturok ng mga booster shots.
Tumaas kasi sa mahigit 200 ang infection rate ang naitatala sa loob ng isang araw.