-- Advertisements --
Nangako ang France na kanilang dodoblehin ang bilang ng mga COVID-19 vaccines na ibibigay sa mga mahihirap na bansa.
Sinabi ni French President Emmanuel Macron na gagawin na nila itong 120 milyon mula sa dating 60 milyon na una nilang inalok.
Ang nasabing bilang ay mas mataas pa sa bilang ng mga naturukan na ng COVID-19 vaccine sa France.
Nauna ng nangako si US President Joe Biden na kanilang dodoblihin din ang donasyon ng vaccine doses sa mga mahihirap na bansa na gagawin na nila itong 1.1 bilyon.
Aabot naman sa 500 milyon doses ang pangako ng European Union habang ang China ay may kabuuang ipinangako na dalawang bilyong bakuna hanggang sa katapusan ng taon.