-- Advertisements --
Pagbabawalan ng France ang mga Americans na hindi pa natuturukan ng COVID-19 vaccines.
Mula sa dating “green list” ay inilagay ng French government ang US sa “orange list” na nagbabawal sa mga nonessential travel sa France sa mga unvaccinated visitors.
Papayagan lamang ang mga ito na bumiyahe sa palabas at papasok sa France kapag ito isang essential ang biyahe at kailangan ng negatibong COVID-19 test results.
Kailangan din na mag-quarantine ang mga ito ng pitong araw pagdating sa France.
Magugunitang unang nagpatupad ng Spain ng paghihigpit sa US travellers kung saan hinahanapan ang mga ito ng kanilang certificate ng double vaccination.