-- Advertisements --

Pasok na sa Finals ng men’s basketball team ang France matapos na talunin ang Slovenia 90-89.

Dahil dito ay makakaharap ng France ang USA sa Finals men’s basketball
Nanguna sa panalo ng France si Nando De Colo na nagtala ng 25 points habang mayroong 23 points si Evan Fournier.

May tsansa pa sanang magwagi ang Slovenia kung hindi natapalan ni Nicolas Batum ang drive ni Luka Doncic sa huling dalawang segundo ng laro.

Nasayang ang nagawang 16 points, 10 rebounds at 18 assists ni Doncic.

Magugunitang tinalo ng France ang USA sa first round ng laro 83-76 noong nakaraang linggo.

Nakapasok sa finals ang USA ng talunin nila ang Australia Boomers.