-- Advertisements --
Pinayuhan ng gobyerno ng France ang kanilang mamamyan na lisanin na ang Pakistan dhail sa nagkakaroon ng anti-French protest sa bansa.
Binalaan ng French embassy sa Pakistan ang matinding banta at lumalawak ang nasabing kilos-protesta sa buong bansa.
Dalawang pulis na rin ng Pakistan ang nasawi ng kuyugin sila ng mga protesters.
Nagbunsod ang insidente noong nakaraang buwan ng ipagtanggol ng France na karapatan nila ang magpalabas ng cartoons kay Prophet Muhammad.
Ipinagtanggol kasi ni French President Emmanuel Macron ang pagpapalabas ng cartoon na Muhammad na namugot ng ulo ng isang guro at sinabing ito ay isang uri ng freedom of expression.