Nagbabala ang prime minister ng France na posibleng maging dominant strain ang Omicron variant sa simula ng taong 2022 dahil sa mabilis na pagkalat nito.
Ginawa ni PM Jean Castex ang naturang pahayag matapos na isara ng France ang borders nito sa mga turista at sa mga negosyante mula sa United Kingdom.
Ang UK sa ngayon ang may pinakamaraming kumpirmadong kaso ng Omicron variant na pumalo na sa halos 15,000.
Samantala, aabot sa 3,000 katao sa France ang nasa intensive care sa COVID-19 batay sa kanilang latest data.
Paliwanag naman ni PM Castex hindi kasing lala ng Delta variant ang Omicron at lumalabas sa mga datos na ang kumpletong vaccination coverage kabilang ang booster dose ay nakakapagprotekta laban sa malubhang sakit.
Plano naman ng French government na magpatupad ng bagong panuntunan para sa mga non-vaccinated simula sa susunod na taon.
Samantala, sa datos mula sa European Centre for Disease Prevention and Control as of Dec. 15 nasa 170 na ang Omicron cases ng France.