-- Advertisements --

Gagayahin ng France ang ginawa ng Italy na hinarang ang pagpapadala ng AstraZeneca vaccine sa ibang bansa.

Sinabi ni French Health Minister Olivier Veran, na naiintindihan nito ang ginawa ng Italy kaya hindi malayong gagayahin niya ito.

Nakipagpulong na sila sa Italy at ilang mga European partners para sa nasabing isyu.

Magugunitang ginamit ng Italy ang batas na ipinatupad ng European Union na mayroon silang karapatan para harangin ang pagdeliver ng AstraZeneca sa Australia matapos na hindi nito natupad ang napagkasunduan na magdeliver ng bakuna sa itinakdang usapan.

Kinausap na rin ni European Commission’s executive vice president for trade Valdis Dombrovskis sa Australia at i pinaliwanag ang ginawa ng Italy.