-- Advertisements --
Inilipat na ng gobyerno ng France ang mga naninirahan sa kalye ng Paris.
Ang nasabing hakbang ay bilang bahagi ng kanilang hosting para sa Olympics sa susunod na taon.
Karamihang mga inilipat nila ay mga migrants na dumayo sa France.
Kinakausap sila ng mga kapulisan at mga charity workers para sa mapayapang mailipat ang mga ito sa ibang lugar.
Mula pa kasi noong Abril ay nasa halos 2,000 mga migrants ang nailipat palabas na ng Paris.