-- Advertisements --

Tinanggal na ng France ang kanilang COVID-19 testing restrictions na ipinapatupad sa mga galing sa China.

Mula kasi noong Enero ay lahat ng mga bisita na edad 11 pataas na galing sa China ay dapat magpakita ng knailang negative COVID-19 test results bago ang kanilang flight o sumakay ng eroplano.

Ipinatupad ang nasabing paghihigpit ng lumubo ang kaso ng COVID-19 sa China noong Disyembre.

Magugunitang niluwagan na rin ng iba’t-ibang bansa gaya ng South Korea, Japan at Singapore ang COVID-19 restrictions na manggagaling sa China.