Binigyan diin ni House Speaker Alan Peter Cayetano na hindi sinasagasaan ng Kamara ang press freedom sa pagkabinbin ng mga franchise renewal application ng ABS-CBN.
Ayon sa lider ng Kamara, may mga nagsasabing may mga paglabag ang ABS-CBN sa prangkisang iginawad sa kanila ng pamahalaan kaya marapat lamang na aralin at suriin ng husto ang franchise renewal application nito.
Sa paghihigpit na ginagawa ng Kamara patungkol dito, sinabi ni Cayetano na mas mako-control o mapapatigil din ang ibang kompaniya sa paggamit ng airwaves ng pamahalaan para sa pansarili lamang na interes.
Para kay Cayetano, nagkaroon nang paglabag ang ABS-CBN sa Fair Elections Act dahil sa pag-impluwensya nito sa publiko sa kanilang pinaburang personalidad sa mga nagdaang halalan.
Samantala, hindi naman tama aniya na binabatikos sila sa pagkakabinbin ng franchise renewal application ng naturang media giant na kung tutuuusin ay noong 16th Congress pa noong panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III pa ito naihain at isang beses lamang din naman dininig.