-- Advertisements --

Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 25 years franchise renewal ng ikatlong major telecommunication company na DITO.

Laman ng pinirmahan nitong Republic Act 11537 ang pagpapalawig ng franchise ng Mindanao Islamic Telephone Company Inc. o kilala na ngayon bilang DITO Telecommunity Corporation.

Ang franchise law ay papayagan ang DITO na magtayo, magkabit,
magmintina at mag-operate ng wire at wireless telecommunication ng hanggang 25 taon.

Magiging epektibo ito kapag nagpaso na ang franchise nito sa Abril 24, 2023.