-- Advertisements --
image 755

Bigong maka-abanse sa Finals ang tandem nina Francis Casey Alcantara at Alexandra Eala matapos silang talunin ng pambato ng Chinese Taipei.

Gayonpaman, mag-uuwi pa rin ang dalawang tennis star ng bronseng medalya, daan upang madagdagan ng dalawa pang bronse ang hawak na medalya ng Pilipinas.

Sa unang set, agad na umarangkada ang pambato ng Taiwan at naibulsa ang 5 – 7 result.

Pinilit namang makabangon ang dalawang pinoy players sa ikalawang set ngunit kinapos pa rin ito.

Nagtapos ang ikalawang set sa score na 3 – 6, pabor sa Chinese taipei.

Maalalang kahapon ay nagtapos din ang kampanya ni Eala sa Women’s Singles, matapos siyang talunin ng pambato ng China at Asia no1. Zheng Qinwen.

Sa naturang laro, naibulsa rin ni eala ang Bronze Medal habang umusad naman sa Semis ang Chinese tennis star.