Hinimok ni Pope Francis ang mga taga-Rome na tulungan ang mga taong walang tirahan sa kabisera ng Italy.
Pahayag ito ng Santo Papa matapos maitala ang pagtaas ng mga namamatay sa siyudad dahil sa napakalamig na temperatura.
Sa kanyang noon blessing, ikinuwento ni Pope Francis ang istorya ng 46-year-old Nigerian na si Edwin na namatay dahil sa sobrang lamig malapit sa St. Peter’s Square noong nakalipas na linggo.
“His story joins those of others who have recently died in Rome in the same dramatic circumstances. Let us pray for Edwin,” wika ni Francis.
Ayon sa Sant’ Egidio charity group, si Edwin ang ikaapat na homeless person ang namatay sa matinding lamig sa siyudad ngayong taon, at ika-10 mula noong Nobyembre.
“Let us think of Edwin, let us think of what this 46-year-old man felt in the cold, ignored by all, abandoned, even by us. Let us pray for him,” anang Catholic pontiff.
Una rito, muli umanong umatake ang sakit ng Santo Papa na sciatica na nagdudulot ng pananakit ng kanyang binti, dahilan kaya napuwersa itong hindi dumalo sa tatlong events noong nakalipas na mga araw. (Reuters)