-- Advertisements --
Franklin Rover Prototype Wikipedia
Franklin Rover Prototype © Wikipedia

ENGLAND – Puspusan ang rehearsals ng Europe at Russia para sa mapagana ng maayos ang sasakyang gagamitin para sa planetang Mars.

Pinangalanan ang behikulo bilang Rosalinda Franklin rover na hango sa English chemist at DNA pioneer na si Rosalind Franklin.

Matatandaang dati itong nakilala bilang ExoMars rover na binuo ng European Space Agency at Russian Roscosmos State Corporation.

Ang nasabing sasakyan ay inihahanda para sumabak sa naglalakihang bato sa Mars, habang naglilibot para mangalap ng impormasyon.

Inaasahang maipapadala ito sa Red Planet sa loob ng isa hanggang dalawang taon. (BBC)