-- Advertisements --

October 29, 2023, at Barangay Lingkiwa, Livelihood Center, Barangay Lingkiwa, Biñan City, Laguna.

The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles Inc. Bagong Bayani Hong Executive Eagles Club-NCR X. Humanitarian Service Through Strong Brotherhood. Yan ang adhikain ng nasabing Fraternity sa Pilipinas bilang kaun-unahang Fraternal Socio-Civic Organization sa ating Bansa.
Dahil dito ay walang patid ang ginagawang pagtulong sa Sangkatauhan ng mga membro at aplikante ng Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club kahit sila ay wala sa Pilipinas.

Kahapon sa pakikipagtulongan ng mga PWD ( Person With Disability ) sa nasabing Barangay ay sama-sama silang nagluto at naghanda ng mga ipamimigay at ipapakain sa mga bata sa nasabing Barangay at naisagawa nila ang FEEDING PROGRAM ng maayos sa halos humigit kumulang na isang daang mga bata sa Barangay Hall ng Barangay Lingkiwa. Ito ay maayos na naisagawa sa pakikipag ugnayan ni Ginang Eliza Atanante Albaciet, Secreatary ng mga Persons With Disability sa Barangay Lingkiwa na siyang namuno ng Feeding Program kasama ang mga PWD’s at sinuportahan at inalalayan sila ni Punong Barangay RODOLFO C. MONTAÑEZ JR.

Natuwa naman ang mga Barangay Officials na Barangay dahil sa ginawa ng mga membro ng Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club dahil bagamat kahit sila ay nasa Hong Kong at wala sa Pilipinas at nagta trabaho doon bilang mga OFWs ay napatunayan nila ang kanilang pagiging tunay na Bagong Bayani ng ating Bansa at naipa abot nila ang kanilang tulong na maglingkod sa Sangka-Tauhan bilang membro ng nasabing Kapatiran ng Philippine Eagles.

Ang Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club ay mananatiling maglilingkod sa Sangkatauhan sa pamamagitan lamang at abot ng kanilang kakayahan para mapanatili ang KAPATIRAN- SERBISYO-PAGKAKA-ISA at ialay ito sa KATAAS-TAASANG MAY LIKHA bilang pasasalamat sa kanya na siya namang kanilang sinumpaan bago pumasok bilang membro ng The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles Incorporated.