-- Advertisements --

The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles Incorporated (TFOE-PE Inc.) established since 1979.

Naging matagumpay ang Naganap na Talakayang Agila kahapon September 17, 2023 sa Dr. Sun Yat Sin Memorial Stadium Playground, Sai Ying Pun, Hong Kong ang kauna-unahang pakikipag talakayan ni Marlon Pantat De Guzman na isang membro ng The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles Inc. under the North Luzon Executive Eagles-NCR X sa mga nagnanais na maging membro ng nasabing Fraternity na mga OFW sa Hong Kong.

Sa nasabing talakayan ay napag usapan ang mga sumusunod na gabay at mga Do’s and Dont’s habang pumapapasok sa TFOE- PE, bulontaryong pagpipirma nila ng LOI o letter of intention upang sumapi sa nasabing Fraternity, Membership Fee kung saan ito gagastosin at kung ano ano ang mga dapat bayaran na magmumula sa nasabing membership fee upang maging ganap na Agila, pag upisa ng 5i’s o mga tamang preseso sa pagpasok ng bagong membro para maging ganap na Agila, gaya ng Introduction, Interview, Initiation, Incubation at ang panghuli para maging Agila kapag matapos nila ang tamang proseso ay ang Induction o panunumpa bilang ganap at legit na Agila.

Sa nasabing talakayan ay nagkaroon ng Interview at Introduction bilang parte ng 5i’s sa mga Aspirants na may mga katungkolan sa kani-kanilang Organization or Fraternity sa Hong Kong, ngunit dahil sa hangad na makapaglingkod Kapwa o HUMANITARIAN SERVICE ay nagka- isa upang maging membro ng Agila.

EAGLES
  1. Fernando Garcia from ARO Pangasinan-Hong Kong
  2. Marites Cruz – TT Production-Hong Kong
    3.Francis Dela Rosa- HKSMOC-Hong Kong
  3. Marjorie Alcantara- HKSMOC-Hong Kong
  4. Edward Cruz Permision-UCMA-Hong Kong
  5. Ivy Colalong-From Cordillera Region
  6. Rudilyn Arcebal -GUARDIANS-Hong Kong. Nagtanong ang mga nagnanais pumasok kung ano ang dapat gawin at hindi dapat gawin bilang Aplikante sa Kapatirang Agila at nasagot naman ito ng maayos ni Kuya Mar na siyang tumatayong Acting President sa itinatayong Club sa Hong Kong.
    Sa huli ay tinanong naman sila ni Kuya Mar kung ano ang nag udyok sa kanila para sumapi sa Agila, at nanindigan ang mga ito sa kanilang sagot, na ito ay para maglingkod sa kapwa Agila na magiging Ate at Kuya, sa Kapwa tao bilang pangunahing adhikain ng The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles, sa isip, sa salita at sa gawa sa abot ng kanilang makakaya upang maging kapaki-pakinabang sa kapwa Agila at nangako na hindi gagamitin kailanman ang pagiging Agila para mang api, magyabang at mang-abuso sa Kapwa-Tao. Mananatiling matatag para ipatupad ang HUMANITARIAN SERVICE THROUGH STRONG BROTHERHOOD bilang mission and vission ng mga tunay na Agila.

Bombo Report News from
Marlon Pantat De Guzman
Bombo Radyo International Corespondents-Hong Kong
TFOE-PE Inc.