-- Advertisements --

Pinatunayan na naman ng mga Miyembro at Aplikante ng The Fraternal Order of Eagles-Philippines Eagles Inc. Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club-NCR X ang paglilingkod sa Kapwa-Tao, sa isip, salita at sa gawa. Ito ay matapos nilang maisagawa ang Community Service sa isang Refugee Community sa Hong Kong.

403395968 1137438510998297 5355997089034654571 n

Kahapon ay nagbigay sila ng mga sari-saring gamit pang personal para sa mga bata, magulang na nasa ilalim ng REFUGEE UNION Community gaya ng mga gatas, tootpaste, shampoo, noodles, mga pagkain delata, sabon, tinapay at iba pang personal na pangangailangan. May mga damit din na galing kay Ms Angel Chang at Ms Chan Lai Ying na Employers ng mga members ng Bagong Bayani Hong Kong Executuve Eagles Club. Sa REFUGEE UNION community ay sila ung mga nasa pangangalaga ng Hong Kong Government pansamantala mula sa ibat-ibang bansa na hindi maka uwi sa kanilang lupang sinilangan dahil sa banta ng pananakit, pang aabuso at takot sa kanilang buhay dahil sa ipinaglalabang lahi, religion at nasyonalidad at kabilang dito at marami sa kanila ay Kapwa natin Pilipino na hindi rin maka-uwi sa Pilipinas dahil sa parehong kadahilanan. Sila ay binibigyan ng pagkakataon mag apply bilang Asylum Seekers at maging Refugee pansamantala habang may banta sa kanilang buhay kung saan bansa sila galing, pero hindi nangangahulogan na sila ay residente ng Hong Kong at pinababalik sa kanilang bansang pinanggalingan sa takdang panahon at naayon sa batas ng Hong Kong. Dahil sa pagtanggap sa kanila ng Hong Kong Government ay nagkakaroon sila ng pansamantalang kabuhayan o Financial Assistance mula sa Gobyerno na minsan ay nagkukulang dahil bawal silang magtrabaho sa nasabing Bansa.

Dahil dito ay nakipag ugnayan ang Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club sa pamumuno ng kanilang Club President na si Kuya Mar De Guzman at Ate Marites Cruz ng Lady Eagles Club kay Ms. NAMAGEMBEE ADELLA na Chairperson ng REFUGEE UNION na magiging pangunahin na sila na tutulongan ng Bagong Bayani Hong Executive Eagles Club sa supporta at malasakit ng lahat ng mga membro ng Organisasyon.

Ang Humanitarian Service Through Strong Brotherhood and Sisterhood ay siyang layunin ng mga Philippine Eagles sa Pilipinas at ngayon sa Hong Kong at sa buong mundo kung saan ay may ibat-ibang Club na ang The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles.

Muli na naman nagpa alala ang Club President sa lahat ng mga membro at Aplikante na lahat ng mga gawang mabuti sa kapwa ay huwag maghihintay ng kapalit at isipin palagi na ito ay hindi pakitang tao, Na huwag mapagod sa paggawa ng mabuti para masunod nila ang nasa Banal na Kasulatan. Pinaliwanag niya na gagamitin nila ang Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club ng The Fraternal Order Eagles-Philippine Eagles Inc. para makagawa ng mabuti sa Sangkatauhan na siyang tungkulin ng bawat membro, na may mapagpakumbabang-loob at hindi kailanman gagamitin ito para mang abuso at magyabang sa Kapwa-Tao.