-- Advertisements --

Matagumpay na naaresto sa bayan ng Parang sa Maguindanao Del Norte kahapon ang itinuturing na TOP 7 regions most wanted personality at may 28 counts na kasong Computer Related Fraud under Section 4, (B)(2) ng RA 10175.

Ang di na pinangalanang suspek na 23 taong gulang at nakatira sa nabanggit na bayan ay humaharap sa kasong may kinalaman sa fraud o panloloko gamit ang computer at mga digital devices.

Magkakatuwang naman sa paghuli ng nasabing personahe ang RACU BAR at ang Digital Forensic Section, kasama din ang mga tracker teams mula sa Sultan Kudarat MPS, Parang MPS, PIU, Maguindanao Norte PPO at PISOG.

Nasa kustodiya na ng Parang MPS ang naturang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon na alinsunod sa kanyang kaso.